Mga Pormularyo ng Reklamo at Pamamaraan ng CDVSA
Ang patakaran ng Konseho ng Pantahanang Karahasan & Sekswal na Pagsalakay [Council on Domestic Violence & Sexual Assault] ay nag-uutos sa mga kawani ng CDVSA na gumawa ng mga makatwirang hakbang upang bawasan ang mga hadlang sa wika na humahadlang sa pagkakaroon ng mga pampublikong serbisyo at programa. Ang aming layunin ay magbigay ng pantay na serbisyo sa limitado at hindi nagsasalita ng Ingles na mga Alaskan. Upang makatulong na maisakatuparan ang layuning ito, ang CDVSA ay lumikha ng isang "Pormularyo ng Reklamo sa Pagkakaroon ng Wika" [Language Access Complaint Form] para sa mga indibidwal na magkomento tungkol sa pagbibigay ng mga serbisyo sa pagkakaroon ng wika.
Pormularyo ng Reklamo:
Pormularyo ng Reklamo:
Ang Pormularyo ng Reklamo:
- Ang pormularyo ng reklamo ay makukuha sa pag-download online at ipapadala sa kahilingan sa pamamagitan ng koreo, sulatroniko, o fax.
- Ang mga reklamo ay maaaring isumite sa CDVSA sa pamamagitan ng sulatroniko, koreo, o fax.
- Aabisuhan ng kawani ng CDVSA ang publiko tungkol sa pagkakaroon ng pormularyo ng reklamo at mga pamamaraan tulad ng tinukoy sa plano nito sa pagkakaroon ng wika.
Ang mga sumusunod na pamamaraan ay dapat sundin kapag ang mga indibidwal ay nagtanong tungkol sa paghahain ng mga reklamong nauugnay sa wika:
- Kung hihilingin ng isang miyembro ng publiko, tutulungan ng kawani ng CDVSA ang indibidwal na kumpletuhin ang pormularyo.
- Kung ang indibidwal ay LEP at nangangailangan ng tulong sa wika upang punan ang pormularyo, maaaring magbigay ang CDVSA ng isinalin na pormularyo sa hiniling na wika (kung mayroon ito) o magbigay ng pagkakataon sa paningin na pagsasalin * [sight translation] sa pamamagitan ng mga tagapagdulot na makukuhang wika ng CDVSA.
Ang mga sumusunod na pamamaraan ay dapat sundin sa sandaling makumpleto ang pormularyo ng reklamo:
- Tatanggapin ng kawani ng CDVSA ang pormularyo kapag nakumpleto ng indibidwal at ipapadala sa Tagapag-ugnay ng Pagkakaroon ng Wika ng CDVSA para sa imbestigasyon sa reklamo.
- Ang Tagapag-ugnay ng Pagkakaroon ng Wika ng CDVSA o itinalaga ay dapat bumuo ng pag-iimbestiga sa loob ng 14 na araw.
- Kung ang pormularyo ay wala sa isang wika kung saan ang mga tauhan ng CDVSA ay mahusay, ang kawani ay gagamit ng isang kwalipikadong tagapagbigay ng serbisyo sa wika kapag sinusuri ang reklamo at/o nakikipag-ugnayan sa indibidwal upang talakayin at tukuyin ang isyu.
- Ang Tagapag-ugnay ng Pagkakaroon ng Wika ng CDVSA ay mag-iimbestiga sa tuwing makakatanggap sila ng reklamo na nagsasaad o nagpapahiwatig ng posibleng hindi pagsunod sa Titulo VI ng Batas sa mga Karapatang Sibil.
- Kung ang pag-iimbestiga ay nagresulta sa isang kapasiyahan ng pagsunod, dapat ipagbigay-alam ng tagapag-ugnay sa LEP na indibidwal sa pamamagitan ng pagsulat ng pagpapasyang ito, kasama ang batayan para sa pagpapasiya sa loob ng pitong araw ng pagpapasya.
- Kung ang pag-iimbestiga ay nagresulta sa isang kapasiyahan ng hindi pagsunod, dapat ipagbigay-alam ng tagapag-ugnay sa LEP na indibidwal ang hindi pagsunod sa pamamagitan ng Sulat ng Kapasiyahan na nagtatakda ng mga lugar ng hindi pagsunod at ang mga hakbang na dapat isagawa upang itama ang hindi pagsunod sa loob ng pitong araw ng pagpapasya.
* * Paningin na pagsasalin ay ang berbal/pasalita pagsasalin ng teksto mula sa isang wika patungo sa isa pa sa sandaling ito. Halimbawa, kung ang isang kliyente ay nagsasalita lamang ng Espanyol at ang pormularyo ay Ingles, ang tagapagsalin/tagapagsaling-wika ay rerepasuhin ang mga patlang sa pormularyo habang ang kliyente ay pinupunan ito upang ang kliyente ay maaaring punan ang Ingles na pormularyo na may tagapagsaling-wika na tumutulong sa kanya. /sa kanila.